Kaygandang Isla ng Palawan
Sinasabi ng mga tao sa bansa na likas sa yaman ang Palawan dahilan sa pagkanaturalismo ng pulong ito. Ang isa sa mga ipinagmamalaki ng Palawan ay ang Puerto Princesa Underground River na ngayon ay isa sa mga pinagpipilian sa New Seven Wonders of Nature.
Ang Puerto Princesa Underground River pala ay may itinatatagong kagandahan kahit ito ay isang kweba lamang. Makikita sa loob ang mga bato noong unang panahon pa at ilang taon na ang nakalilipas. Sa likas na yaman pa lang ito makikita na talaga ang natatagong ganda ng kwebang ito. Kaya masasabi ko sa sarili ko na dapat mapasama sa New Seven Wonders of Nature itong ipinagmamalaki ng Palawan dahil sa natatagong ganda.
Maipagmamalaki ko ang pambato ng bansa natin sa pamamagitan ng simpleng pagboto. At sa pamamagitan ng pagbotong ito, kapag nalaman na ang resulta maaring mapasama ang ating pambato sa New Seven Wonders of Nature.
Huwag ikahiya ang ganda ng Pilipinas. Pagyamanin pa natin lalo ang ganda nitong ating bansa. Pangalagaan pa ang mga kinikilalang ganda nito. Likas na yaman, lalo pang pagyamanin, iwaksi ang mga masasamang gawain at gawin ang mabuti. Ipaglaban natin ang ganda
ng Pilipinas.
